Pangulong Duterte, patuloy na magseserbisyo

PCOO photo

Patuloy na magseserbisyo sa bayan at sa taong bayan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit na matapos na ang termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30.

Ayon kay dating Special Assistant to the President at Senador Christopher “Bong” Go, tiyak na hahanap-hanapin ng Pangulo ang paglilingkod sa bayan.

Mahigit apat na dekada aniya ang iginugol ni Pangulong Duterte sa serbisyo publiko.

Ayon kay Go, base sa kanyang pagkakakilala sa Pangulo, puro trabaho ang inaatupag nito.

Hindi naman tinukoy ni Go kung gagawa o magsusulat ng libro o memorabilia ang Pangulo pagkatapos ng kanyang termino.

Read more...