Sigaw ng mga tagasuporta ni Dave Almarinez: “May nanalo na!”

By Chona Yu April 20, 2022 - 03:24 PM

“May nanalo na!”

Ito ang sigaw ng mga tagasuporta ni Dave Almarinez sa kanyang pagtakbo bilang kongresista ng San Pedro, Laguna.

Patuloy pa ring namamayagpag ang pangalan ni Almarinez sa social media dahil sa mainit na pagtanggap ng mga taga-San Pedro sa kanyang kandidatura. Kumpiyansa ang kanyang mga tagasuporta na maipapanalo niya ang laban sa eleksyon dahil nangunguna din sya sa iba’t ibang local survey.

Patunay nito ang libu-libong residente na sumasalubong sa kalsada at sumasama sa rally ni Almarinez sa iba’t ibang barangay ng San Pedro.

“Si Congressman Dave po ang nakita namin na tunay na may malasakit sa aming mga taga San Pedro. Simula palang ng pandemya, nakikita na naming siya na nag-iikot at nambibigay ng tulong. Siya mismo ang nag-aabot ng tulong sa aming mga tahanan,” ani ng isang masugid na taga-suporta ni Almarinez.

Para sa mga taga-San Pedro, subok na sa serbisyo-publiko si Almarinez na naging kasangkapan sa mga malalaking proyekto na napapakinabangan ng libu-libong mamamayan ng San Pedro at mga karatig-lugar nito.

Kabilang dito ang pagpapatayo ng dialysis center na may 10 dialysis machines at 60 wifi zones na highspeed free sa iba’t ibang lugar. Naging kasangkapan din sa Almarinez sa pagbibigay ng mahigit 20,000 Moderna vaccines para sa mga residente ng San Pedro, at maraming pang iba.

Pinapasalamatan din ng mga tagasuporta ang mag-asawang Dave Almarinez at Ara Mina dahil sa pagiging aktibo nito sa pamimigay ng ayuda sa lahat ng barangay ng San Pedro sa kasagsagan ng lockdown dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Sa kanyang pangangampanya, inilahad ni Almarinez na ipagpapatuloy niya ang mga hakbang magbibigay ng maraming oportunidad para maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa San Pedro.

Pangungunahan din anya ang programang pagbibigay ng mga scholarship para sa kabataan, pagsusulong ng pagkakapit-bisig ng mga industriya sa pagbubuhay muli ng ekonomiya ng Laguna sa pagtatapos ng pandemya, healthcare modernization, at marami pang iba.

Bago pa ang pagsulong ng kanyang kandidatura sa pagka-kongresista, si Almarinez ay consistent na No. 1 board member ng Laguna sa tatlong sunod na pagkakataon.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, DaveAlmarinez, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, SanPedroLaguna, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, DaveAlmarinez, InquirerNews, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, SanPedroLaguna, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.