Game 6 sa pagitan ng Barangay Ginebra, Meralco ipagpapaliban

By Angellic Jordan April 20, 2022 - 02:57 PM
Photo credit: PBA/Facebook

Ipagpapaliban ang Game 6 ng Philippine Basketball Association (PBA) 47th Season Governors Cup Finals sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco Bolts sa Miyerkules ng gabi, Abril 20.

Ayon sa PBA, bunsod ito ng sumiklab na sunog sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Paliwanag nito, bahagi ito ng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Maari namang mag-refund ang mga ticket holder ng Game 6 sa ticketing office ng ‘Big Dome.’
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan ng sunog sa coliseum.

TAGS: AranetaFire, Game6, Ginebra, InquirerNews, MeralcoBolts, PBAFinals, RadyoInquirerNews, AranetaFire, Game6, Ginebra, InquirerNews, MeralcoBolts, PBAFinals, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.