Isang pulis, nagpositibo sa COVID-19

May isang pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (April 20), umakyat sa 48,863 ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nanatili naman sa 48,733 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 129 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...