Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 506.10 milyon

By Angellic Jordan April 20, 2022 - 02:36 PM

Reuters photo

Pumalo na sa 506,10 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 506,103,735 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 82,416,687 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,047,594 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 30,279,270 naman ang kaso sa Brazil habang 27,816,299 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Germany – 23,588,355
– United Kingdom – 21,863,944
– Russia – 18,092,791
– South Korea – 16,583,220
– Italy – 15,758,002
– Turkey – 15,003,696
– Spain – 11,736,893
– Vietnam – 10,489,319

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,228,338 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 458,271,889 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.