Robredo, nakakuha ng pinakamataas na disapproval rating – Pahayag Survey
Nakatanggap si Vice President Leni Robredo ng negative net approval rating sa Pahayag First Quarter survey ng Publicus na isinagawa noong March 30 hanggang April 6, 2022.
Nasa 32.3 porsyento ng 1,500 respondents ang nagsabing aprubado sa kanila ang performance ni Robredo sa nakalipas na 12 buwan, habang 42.4 porsyento ang nagsabi ng kabaliktaran, dahilan para makakuha ang bise presidente ng -9.9 porsyento na net approval rating.
Sa matataas na opisyal ng pamahalaan, tulad ng presidente, bise presidente, senate president, house speaker at chief justice, tanging si Robredo ang nakatanggap ng mas maraming disapproval votes kaysa approval votes mula sa respondents.
Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatanggap ng pinakamataas na net approval rating na 52 porsyento (67.2 percent approval, 15.2 percent disapproval), kung saan napanatili nito ang mataas na approval rating ilang buwan na lamang ang natitira bago ang kanyang pagbaba sa kapangyarihan sa Hunyo.
Nakatanggap naman sina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ng +15.8 percent na net approval rating; Chief Justice Alexander Gesmundo, +8.2 percent; at House Speaker Lord Allan Velasco na may +2.3 percent.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.