Pumayag na ang hukuman sa Mexico na ma-extradite sa U.S ang pinuno ng Sinaloa cartel na si Joaquin “El Chapo” Guzman.
Si Guzman ang isa sa itinuturing na pinaka-mayaman at pinaka-maimpluwensiyang drug lord kung saan ang kanyang grupo ang isa sa mga pangunahing supplier ng marijuana at cocaine sa U.S, Asia at Europe.
Isa sa mga kundisyon ng Mexican Court ay huwag patawan ng death penalty si Guzman bago sila na napapayag na ibigay sa pangangalaga ng U.S ang nasabing drug personality.
Si Guzman ay nahaharap sa mga kasong drug trafficking, money laundering at murder sa Texas samantalang may kaso rin siyang illegal drug trade sa California.
Noong July 2015 ay nakatakas si “El Chapo” isa isang top-security jail sa Mexico sa pamamagitan ng pagdaan sa 1.5-kilometer tunnel sa ilalim ng kanyang kulungan.
Buwan ng Enero 2016 nang muli siyang mahuli makaraan siyang ma-interview ni Sean Penn para sa Rolling Stone Magazine.
Mula noon ay naging mahigpit na ang ginawang pagbabantay kay Guzman.
Pati si Mexican President Enrique Peña Nieto ay pabor na ma-extradite sa U.S ang nasabing drug lord.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.