‘Withdraw call’ ni Mayor Isko kay VP Leni wala sa plano – Pacquiao

By Jan Escosio April 20, 2022 - 01:55 PM

Makalipas ang tatlong araw na pananahimik, nagsalita na si PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao kaugnay sa nangyari sa kontrobersyal na press conference Manila Peninsula Hotel sa Makati City noong nakaraang araw ng Linggo.

Magugunita na sa presensiya nina presidential candidates Ping Lacson  at Norberto Gonzalez, nanawagan si Mayor Isko Moreno Domagoso kay Vice President Leni Robredo na umatras na ito sa ‘presidential race.’

Una nang dumistansiya si Lacson sa naging panawagan ni Domagoso sa pagsasabing ang tanging napagkasunduan nila ay inanusiyo na walang aatras sa laban.

Si Gonzalez naman ay humingi na ng paumanhin kay Robredo.

Pag-amin ni Pacquiao, sa kanyang pangangampaniya sa Ilocos Norte ngayon araw, alam niya ang layon ng pressconference kayat nagdesisyon siya na sumama ngunit hindi na lamang siya umabot dahil hindi makababa sa NAIA ang sinakyan niyang eroplano.

Aniya naniniwala siya na kaloob na ng Panginoon na hindi siya umabot sa pressconference at pagdidiin niya, hindi siya sang-ayon na may manawagan na kandidato sa kanyang kapwa kandidato na umatras na sa laban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.