Kaso ikakasa sa uploaders ng fake sex video ni Aika Robredo

By Jan Escosio April 20, 2022 - 12:55 PM

Pinag-aaralan na ang pagsasampa ng mga kaso sa mga responsable sa pagkalat ng pekeng malaswang video ni Aika Robredo, ang panganay na anak ni Vice President Leni Robredo.

 

Sinabi ni Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na isang grupo ng mga abogado ang nagbabalak na magsampa ng pormal na reklamo.

 

Aniya malinaw naman na ang layon ng mga nagpakalat ng pekeng sex  video ay idiskaril ang ginagawang pangangampaniya ni Robredo.

Nabatid na ang mga miyembro ng Lawyers for Leni ang nag-alok ng tulong sa pagsasampa ng mga kinauukulang kaso.

 

“The problem with anonymity on social media is, its very, very difficult to actually find out the true identities of people posting behind anonymous accounts,” sabi pa ni Gutierrez.

 

Binanggit din nito ang pagkambiyo ng PNP, na unang sinabi na iimbestigahan nila ang video at sumunod ay kailangan diumano na may pormal na reklamo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.