WATCH: Leody De Guzman, nagpasalamat sa alok na bigyan siya ng seguridad

By Chona Yu April 20, 2022 - 02:08 PM

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Nagpapasalamat si Presidential candidate Leody De Guzman sa alok ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan siya ng seguridad matapos ang insidente ng pamamaril sa Quezon, Bukidnon noong araw ng Martes.

Ayon kay De Guzman, sa ngayon, wala naman siyang nakikitang dahilan para magkaroon ng security personnel.

Katwiran pa ni De Guzman, problema lamang niya ang pagpapakain at transportasyon ng security personnel kung isasama pa sa kampanya.

Hindi maikakaila, ayon kay De Guzman, na kapos siya sa pondo.

Narito ang bahagi ng pahayag ni De Guzman:

Matatandaang limang katao ang nasugatan matapos pagbabarilin ang pangangampanya ni de Guzman.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, comelec, InquirerNews, LeodyDeGuzman, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, comelec, InquirerNews, LeodyDeGuzman, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.