Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, binibigyang pugay ng Palasyo si Sta. Romana dahil sa mga nagawa para lalo pang umigting ang relasyon ng Pilipinas at China.
“Malungkot pong balita. Nagdadalamhati po kami sa pagyao ni Philippine Ambassador to China, His Excellency, Jose Santiago “Chito” Sta. Romana. Nagbibigay-pugay kami kay Ambassador Sta. Romana sa kaniyang mga nagawa para tumibay ang Philippine-China relations. Our thoughts and prayers to the Sta. Romana family,” pahayag ni Andanar.
Una nang inanunsyo ng Department of Foriegn Affairs (DFA) na pumanaw si Sta. Romana sa edad na 74, Martes ng umaga.
Hindi naman tinukoy ng DFA kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng ambassador.