Si Cadet Ernie Padernilla, na tubong Passi City sa Iloilo, ang valedictorian ng PNPA Alagad ng Batas na Kakalinga sa Sinilingang Bayan, na binubuo ng 198 lalaki at 28 babae.
Tatanggapin niya ang Presidential Kampilan, Chief PNP Kampilan, Best in Forensic Science at Best in Thesis Awards.
Si Cadet Regina Joy Belmi Caguioa, ng Taguig City ang class salutatorian at nakakuha ng third honor naman ay su Cadet Precious Shermaine Domingo Lee, ng San Juan City.
Sinabi ni PNP Chief Dionardo Carlos na inaasahan na ang PNPA graduates ay sa pambansang pulisya papasok bagamat may mga nais din maging jail at fire officers.
Sina Cadets Fidel Elona Triste III, ng Palo, Leyte at Geneva Limjuco Flores, na tubong San Carlos City sa Pangasinan ang tatanggap ng 4th at 5th honors.
Ang 6th honor ay si Cadet Zoe Compleza Seloterio, ng Sta. Barbara, Iloilo.
Nabatid na ang Top 6 ng klase ay papasok sa PNP, gayundin sina Top 8 Cadet Mhar Dum-Ayan, ng Pogo, La Union at Top 10 Cadet Alyssa Angalan Bantasan, ng Bauko, Mt. Province.
Si Top 7 cadet Neil Winston Navalta, ng Diffun, Quirino, ay papasok sa Bureau of Fire Protection at si Top 9 Cadet Collyn Mae Dimazana Panganiban, ng Antipolo City, ay pinili ang Bureau of Jail Management and Penology.
Inaasahan na si Pangulong Rodrigo Duterte ang panauhing pangdangal sa gradution ceremony ng klase sa Camp Castaneda sa Silang, Cavite sa Huwebes, Abril 21.