Manay, Davao Oriental niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Manay, Davao Oriental Martes ng umaga.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 47 kilometers Southeast ng naturang bayan dakong 9:23 ng umaga.

May lalim ang lindol na 16 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity IV – Bislig City; Hinatuan, Surigao Del Sur
Intensity II – Davao City; Bansalan, Davao del Sur;

Instrumental Intensities:
Intensity II – Bislig City; Davao City
Intensity I – Kidapawan City; General Santos City

Wala namang napaulat na pinsala sa bayan ng Manay at mga karatig-bayan.

Ngunit babala ng Phivolcs, maaring magkaroon ng aftershocks matapos ang lindol.

Read more...