Suporta kay VP Leni ng retired military at police officials, nadagdagan

By Jan Escosio April 19, 2022 - 10:21 AM

Photo credit: VP Leni Robredo/Facebook

Lumubo pa ang bilang ng mga dating opisyal ng pambansang pulisya at sandatahang-lakas na sumusuporta kay Vice President Leni Robredo.

Sa pagpapahayag ng kanilang suporta, sinabi ng mga retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na pinaniniwalaan nila ang mga adbokasiya ni Robredo, kasama na ang diskarte sa pagsugpo sa droga at peace and order.

Pinabilib din aniya sila sa science-based approach ni Robredo sa paglaban sa kriminalidad at pagsusulong ng PNP Patrol Plan 2030.

Ilan sa mga pumirma sa pahayag ng suporta sina dating National Security Adviser Cesar Garcia, retired Police Brig. Gen Reginald Villasanta, ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at retired Police Brig. Gen. Benjamin Hulipas, mula sa Hilagang Luzon.

Naniniwala din sila sa plataporma ni Robredo na ‘Oplan Angat Agad’ na nakasentro sa paglikha ng mga trabaho, kalusugan at edukasyon.

Noong nakaraang Sabado, inihayag ni dating Sen. Ramon Magsaysay Jr. ang pagsuporta niya kay Robredo, gayundin ng kanyang pamilya.

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, LeniRobredo, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, LeniRobredo, OurVoteOurFuture, Pilipinas, RadyoInquirerNews, VotePH2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.