Pemberton, bantay sarado

May 19, 2015 - 05:31 AM

UntitledMag-aalas otso ng umaga nang pumasok ng hall of justice ng Olongapo City si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Nakaposas ang kamay nya sa harapan, guwardyado ng mga US Military at mga miyembro ng Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF).

Naunang pumasok kay Pemberton ang apat na US servicemen na pawang hostile witness ng prosekusyon sa pagpapatuloy ng hearing ngayong araw.

Kahapon humarap sa witness stand ang mediko legal na si Police Sr. Insp. Reynaldo Dave na syang nag-autopsy sa bangkay ni Jennifer Laude.

Kasabay ng hearing sa Olongapo City ngayon ng kaso laban kay Pemberton ay ang puspusang kampanya ng mga residente ng lungsod sa mas pinalakas na presensiya ng US military sa bansa.

Ayon sa isang residente, ”Ang kasalanan ng isang Amerikano ay hindi kasalanan ng lahat. Kailangan natin ang mga Amerikano.”

Samantala, ilang grupo naman na nagpahayag ng suporta sa Estados Unidos ang nag-picket kanina sa harapan ng gusali ng korte bago magsimula ang pagdinig. /Erwin Aguilon

TAGS: laude, NCIS, Olongapo, Pemberton, laude, NCIS, Olongapo, Pemberton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.