Umaasa si Pangulong Rodeigo Duterte na pagbubutihin ng susunod na administrasyon ang paghahanda sa pagtugon sa climate change.
Sa ‘Talk to the People,’ sinabi ng Pangulo na bintana kasi ng bagyo at nakaharap sa Pacific Ocean ang Pilipinas.
“I hope that the next administration would — mas maganda ang ano nila, the preparation or whatever efforts that would contribute to, at least, remedy the situation. Itong Climate Change Convention, ito ang inaano sa atin na palagi tang — palagi tayong nasa huli. But with that, I leave it I said to the next administration na alam ko mas makaya pa nila kaysa akin. Sa anuman magawa ko itong typhoon na ito, hindi ko man ito mapigilan, ” pahayag ng Pangulo.
Naghihimutok din ang Pangulo sa mga mayayamang bansa dahil sa air pollution.
Ang problema kasi ayon sa Pangulo, dahil sa polusyon, nasisira ang kalikasan at nagkakaroon ng climate change.
Higit na kawawa aniya ang Pilipinas dahil ang bansa ang sumasalo sa mga bagyo at iba pang trahedya.
Giit ng Pangulo, dapat na bayaran ng mayayamang bansa ang Pililinas dahil sa danyos na dulot ng climate change.
“Mine is that ‘yung mga industrialized countries na hindi tinatamaan ng mga typhoons and calamities pero sila ‘yung pinakamalaki na contributor ng carbon emissions, eh magbayad sila. Kasi ang tama grabe ang sa atin. Tapos pareho lang tayong mga — if there’s such a word “polluters”, mas malaki naman ang ating hinaharap. Iyan lang po ang masasabi ko sa araw na ‘to,” pahayag ng Pangulo.