Bulkang Taal, nakapagtala ng anim na volcanic earthquakes
Nakapagtala ang Taal Volcano Network o TVN ng anim na volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Phivolcs, kabilang sa naitala ang tatlong volcanic tremor event na may habang dalawa hanggang 84 minuto, at tatlong low-frequency volcanic earthquakes.
Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 380 tonelada kada araw noong April 18.
Sa ngayon, nasa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at lalo na sa Main Crater at Daang Kastilla fissures, at pag-okupa at pagbabangka sa Taal Lake.
Ipagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.