Mga tagasuporta ni Francis Leo Marcos, nagsagawa ng grand caravan sa NCR
Sama-sama ang mga tagasuporta ng influencer na si Francis Leo Marcos (FLM) sa idinaos na grand caravan sa Metro Manila noong Linggo, Abril 17.
Nagsimula ang caravan, na pinangunahan ng Filipino Family Club, Inc. (FFCI) at Francis Leo Marcos for Senator Movement, sa Quirino Grandstand.
Panawagan ng mga grupo, bagong mukha naman ang ilagay sa Senado.
“S’ya po ay kasalukuyang nakakulong ngunit sa kabila ng kanyang kalagayan at pinagdadaanan ngayon ay hindi po ito naging hadlang sa kanyang mithiin na makapaglingkod sa bayan lalung-lalo na po sa mga mahihirap at pati na rin sa mga middle income family,” pahayag ng kaniyang tagapagsalita at chief legal counsel.
Dagdag nito, “Tandaan po natin na si FLM ay lumabas sa panahon ng pandemya at nagbigay ng ayuda at mga saku-sakong bigas sa mga nagugutom na mga pamilyang Pilipino. Nakita n’ya ang kahalagahan ng agrikultura at pagkain kaya ipinapangako ni FLM na kapag s’ya ay nahalal sa Senado ay walang pamilyang magugutom.”
Tumatakbo sa pagka-senador si Francis Leo Marcos, na nakilala matapos mag-viral ang kaniyang “Mayaman Challenge” video sa social media.
Nasangkot din ito sa isyu ng scam, ngunit mariin itong pinabulaan ng kaniyang grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.