1,674 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan April 18, 2022 - 04:08 PM

Nakapagtala ng 1,674 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang April 18, 2022, base ito sa naitalang datos simula April 11 hanggang April 17, 2022.

Mas mababa ito ng 12 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong April 4 hanggang 10.

Nasa 239 naman ang daily average cases.

Samantala, may isang bagong severe and critical cases habang 200 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 16.9 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,164 sa 24,645 non-ICU beds ang gamit.

15.8 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 450 sa 2,842 ICU beds ang gamit.

Nasa 664 naman ang severe and critical admissions, o 11.5 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.