BOC, pinasinayaan na ang Customs Training Institute
Pinasinayaan na ng Bureau of Customs (BOC) ang Customs Training Institute (CTI) facility sa Port Area, Manila noong Abril 13, 2022.
Ang naturang pasilidad ay mayroong training rooms, conference rooms, at mga opisina para sa Office of the Chancellor, sa pangunguna ng Atty. Noemi Garcia, Office of the Vice Chancellor, sa pangunguna ng Elizabeth Pableo, PhD, at Interim Training and Development Division.
Mayroon ding conducive learning space para sa mga estudyante sa ilalim ng CTI program.
Alinsunod sa Republic Act 10143 o Act Establishing the Philippine Tax Academy, itinatag ng ahensya ang CTI upang maipatupad ang competency-based training framework para sa BOC employees at mapalakas ang kakayahan ng tax collectors at administrators.
Ipinunto ni Deputy Commissioner Donato San Juan na isa sa pinakamabuting maibigay sa mga empleyado ay ang pagsasanay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.