Outbound passengers sa mga pantalan, nasa higit 28,000
Mahigpit pa ring tinututukan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero sa mga pantalan.
Batay sa Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022 monitoring ng PCG, nakapagtala ng kabuuang 28,240 na outbound passengers sa mga pantalan habang 32,598 inbound passengers.
Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes (April 18).
Nasa 2,301 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 213 ang inspected vessels at 437 ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.