BOC nagpatulong na sa Microsoft para protektahan ang kanilang IT system

May 21, 2016 - 04:10 AM

bert lina inquirerDahil sa P64 bilyong deficiency na dinanas ng Bureau of Customs (BOC) gawa ng mga cybercriminals noong 2015, nag-desisyon na si Commissioner Alberto Lina na humingi na ng tulong sa isang IT giant para maprotekatahan ang kanilang sistema.

Ayon kay Lina, aabot sa 85 percent ng kanilang IT system ay nakompromiso na at kailangan nang maprotektahan agad laban sa anumang uri ng cyberattacks na nagiging laganap na lalo na sa mga datos ng pamahalaan.

Aniya pa, ang pangkaraniwang cybercrime na ginagawa laban sa kanila ay ang identity theft kung saan ang mga hackers ay nagpapanggap na ahente ng BOC para makakuha ng mga sensitibong impormasyon ng mga kumpanya.

Kaya naman inilunsad ng BOC ang kanilang partnership sa IT giant na Microsoft para sa digitization ng kanilang mga sistema at serbisyo, at para na rin mas mapaganda ang kanilang cybersecurity programs.

Naniniwala rin si Lina na kailangan nang linisin hindi lang ang kanilang IT system kundi ang kanilang internal operations at hindi ito magiging madali kaya kakailanganin nila ng mga programs na makakatuloy sa mga cyberthreats.

Hinihimok rin ni Microsoft Public Sector director Ferdie Saputil ang iba pang ahensya ng gobyerno na isulong ang transparency at pagpapaigting ng seguridad sa kanilang data.

Sisimulan ang implementasyon ng nasabing proyektong nagkakahalaga ng P170 milyon sa susunod na tatlong taon./ Kathleen Betina Aenlle

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.