Sen. Nancy Binay nakiusap na huwag pahirapan ang college students
Tapos na ang Semana Santa para pahirapan pa ang mga mga mag-aaral sa kolehiyo.
Ito ang pahayag ni Sen. Nancy Binay bilang reaksyon sa requirement sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng medical insurance at iba pang dokumento para sa kanilang face-to-face classes.
“This is a cumbersome and unnecessary requirement para sa college students, considering that by law, all Filipinos are automatic members of PhilHealth. Sa totoo lang, ‘di kailangang dagdagan ang proseso, dapat nga mas simplehan pa,” pagpupunto ni Binay.
Binanggit pa ng senadora na maraming magulang ang nagrereklamo ukol sa mga hinihinging dokumento ng mga kolehiyo at unibersidad bago makapasok sa ‘face-to-face’ classes ang kanilang anak.
Pagpupunto din ni Binay, nagkaroon ng maraming interpretasyon ang inilabas na guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF) at Commission on Higher Education (CHED).
“Yung guidelines ng IATF/DOH and CHED have led to many interpretations na halos unreasonable na. Kung walang maipakitang PhilHealth, hihingan ng private health insurance, plus meron pang duly-notarized waiver, health certificate, at certificate of indigency—at yung iba may nire-require pang negative antigen results. We all understand the concern, pero ‘wag naman OA. Katatapos lang ng Kwaresma, eto na naman may panibagong pasanin ang mga magulang, estudyante at daigdig,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.