Ping, Tito dumistansiya sa ‘resign call’ ni Isko kay Leni
Nilinaw nina independent presidential candidate Ping Lacson at ng kanyang running-mate, Tito Sotto, na sa nangyaring joint press conference kahapon, wala silang hiniling na umatras sa presidential race.
“Ayaw din namin na manawagan sila na mag-withdraw kami in the same manner. Gusto ko lang i-correct ang impression na the presscon is all about telling Vice President Robredo to withdraw.
Iginiit naman ni Sotto na nilinaw naman na agad ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na personal niyang panawagan ang pagbibitiw ni Robredo at walang kinalaman ang ibang ‘presidentiables.’
“Malinaw ang sinabi ni nMayor Isko, sabi niya personal ko lang ito ah. Sabi lang niya ako lang ito. Hindi sila kasali dito, ganun ang sabi niya,” dagdag pa ni Sotto.
Sa naturang press conference na dinaluhan ng isa pang presidential aspirant, si dating Defense Sec. Norberto Gonzales, sa inilabas nilang joint-statement, nanindigan ang mga kandidato na tuloy ang kanilang kandidatura at pangangampaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.