Sen. Win Gatchalian hindi susuko sa SIM Card Registration Bill

By Jan Escosio April 18, 2022 - 10:30 AM

Matapos i-veto ni Pangulong Duterte, sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na hindi siya susuko sa pagsusulong sa panukalang mairehistro ang lahat ng subscriber identity module (SIM) cards.

 

“Dapat maintindihan ng mga kababayan natin ang proseso ng paggawa ng batas. Ang may kapangyarihan na gumawa ng batas ay ang lehislatura pero hindi magiging batas ang isang panukala kung walang pirma ng presidente at ang ehekutibo rin ang magpapatupad ng batas,” sabi ni Gatchalian.

 

Sinabi din nito na sa mga komprehensibong diskusyon ukol sa panukala, lumabas na dapat ay magkaroon ng hiwalay na panukalang batas  para sa social media.

 

“Ito ang isa sa mga una kong ihahain ‘pag tayo ay nakabalik sa Senado. Pero ihihiwalay ko ang panukala para sa social media para mas malalim at mas komprehensibo ‘yung detalye pagdating sa pagmamandato nito. Aminado ako na ang social media ay nagagamit ngayon sa maraming hindi magagandang bagay. Unang una, yung mga troll, ako mismo nabiktima. Aatakihin ka at sisirain ang puri mo,” dagdag pa ng senador.

 

Dagdag pa nito; Malawak ang sakop ng social media. Saklaw pa ba ng NTC ‘yung Facebook, Instagram o Tiktok accounts na ino-operate sa China? May mga ganun na komplikasyon na dapat ayusin. Ako naman ay bukas na ayusin pa ‘yung batas para maging klaro. But in theory, dapat totoong tao lang ang mag register sa social media.”

 

Iginiit nito na ang hangarin niya sa kanyang Senate Bill 176 na mabigyan proteksyon ang publiko sa mga ilegal at kriminal na gawain gamit ang mobile phones.

 

Paliwanag ni Gatchalian kapag naging batas, magdadalawang-isip na ang mga kriminal na gamitin ang kanilang mobile phones sa krimen dahil matutunton sila at mapapanagot sa batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.