Nasawi sa bagyong ‘Agaton’ umakyat sa 172

By Jan Escosio April 17, 2022 - 09:59 AM

Patuloy ang pagdami ng kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Visayas at Mindanao.

 

Base sa update mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 172 na ang natanggap nilang ulat na nasawi, 156 sa Eastern Visayas, 11 sa Western Visayas, tatlo sa Davao Region at dalawa naman sa Central Visayas.

 

May 110 pa ang napaulat na nawawala at patuloy na pinaghahanap, 104 sa kanila ay sa Eastern Visayas, lima sa Western Visayas at isa sa Davao Region.

 

Sa kabuuan, 2,419 barangays sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM ang naapektuhan at 2,015, 643 indibiduwal ang apektado at 207,572 ang nananatili sa mga evacuation centers.

 

May siyam na tulay at 69 kalsada sa mga apektadong rehiyon ang hindi pa rin nadadaanan.

 

Umabot naman sa 10,393 bahay ang napinsala at ang higit P249.8 milyon naman na ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.