101 nasawi sa Baybay City, 31 sa Abuyog dahil kay Agaton

DISCOVER BAYBAY CITY PHOTO

Kumpirmadong umabot na sa 101 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Baybay City sa Leyte.

Kasabay ito nang nagpapatuloy na search and retrieval operation sa apat pang barangay – Bunga, Kantagnos, Maihit at Kan-Ipa.

Sa inilabas na datos ni Engr. Rhyse Austero, ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, pinakamaraming nasawi sa Barangay Bunga.

Kabuuang 5,175 indibiduwal mula sa 1,136 pamilya ang lumikas.

Nabatid na may 31 naman ang napaulat na namatay din sa bayan ng Abuyog sa Leyte at isa sa Motiong, Samar.

Sa kabuuan, 133 na ang kumpirmadong nasawi sa Leyte at Samar.

Nabanggit din sa ulat na may mga nasawing residente na ang mga labi ay narekober sa ibang barangay kayat pinaniniwalaan na inanod ito ng rumaragasang baha o putik.

Read more...