Bebot timbog sa apat na kilo ng imported shabu

PDEA PHOTO

Nagkasa ng controlled delivery operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires City sa Cavite, Martes ng gabi.

 

Nabatid na matapos tanggapin ang pakete, inaresto na si Leonela dela Cruz, ng Barangay Aguado, sa naturang lungsod.

 

Naglalaman ang pakete ng apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P27.6 milyon at ito ay pumasok sa Port of Clark mula sa India noong nakaraang Abril 9.

 

Itinago ang droga sa apat na kahon ng motorcycle sprocket at ito ay nakapangalan kay dela Cruz.

 

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si dela Cruz.

Read more...