No Vote kay Sen. Dick Gordon dahil sa Doble Plaka Law umarangkada

By Chona Yu April 13, 2022 - 08:15 PM
Isinusulong ng Riders Community ang “No Vote” para kay Sen Dick Gordon ngayong May election  dahil sa pagiging anti-rider nito matapos iakda ang kontrobersiyal na Motorcycle Crime Prevention Act(RA 11235) o mas kilala sa tawag na Doble Plaka Law. Ayon kay Motorcycle Riders Organization(MRO) Chairman JB Bolanos,  wala silang inilunsad na pormal na kampanya laban sa kandidatura ni Gordon ngunit lumulutang ang “No Vote for Gordon” sa kanilang hanay dahil nakita ng riders community ang ginawa ng senador sa pagpasa ng Doble Plaka law kaya mismong mga riders na ang nananawagan sa kapwa-riders na huwag iboto ang senador. Ang pahayag ay ginawa ni Bolanos bilang reaksyon sa mga social media posts na nanawagan ng “No vote” kay Gordon kabilang na dito ang grupong Kalipunan ng Riders sa Makauring Adbokasiya na nagsabing  hindi dapat iboto si Gordon para na rin sa karapatan, kapakanan at kaligtasan ng mga riders, ang Alliance of Pagbilao Riders na naghihikayat ng pagkakaisa ng mga riders para sa 0 % vote ni Gordon. Sinabi ni Bolanos na ang kanyang grupo na MRO na may 130,000 miyembro nationwide ay hindi lamang si Gordon ang iboboykot kundi sinumang mambabatas na sariling interes ang isinisulong sa paggawa ng batas. Binibira ng riders group ang Doble Plaka Law dahil hindi ito dumaan sa public consultation at pawang naglalaman ng anti- rider provisions. “We have transcript of the hearings that proves that he’s a liar, he said he spoke to riders group, manufacturer and dealers but  the truth is he actually rejected consultations. Hindi po dumaan sa tamang proseso ang pagdinig ng Doble Plaka Law sa Senado”pahayag ni Bolanos. Ani Bolanos noon pa man ay personal na ang pag-atake ni Gordon sa mga motorcycle riders, ang mga isinusulong nitong panukala ay pawang anti rider gaya na lang ng una nitong suhestiyon na maglagay ng plate number sa helmet at magkaroon ng color coded helmet at pagturing sa mga riders bilang kriminal bunsod na rin ng paglipana ng riding in tandem. “Ginagawa nya kaming mga kriminal, turing nya sa motor ay Public Utility Vehicles(PUV) at hindi private-owned kaya gusto lagyan ng markings sa lahat , gusto nya sumunud kami sa gusto nya nang hindi naman nya kinukuha ang panig namin. May mga krimen nagagaganap na nakamotor ngunit hindi lahat ng nakamotor ay kriminal” paliwanag ni Bolanos. Hindi umano masisisi ni Gordon kung galit sa kanya at ikinakampanya ng mga riders na hindi ito maibalik sa Senado. “He did this to himself. Sen Gordon is a totalitarian.He thinks so highly of himself, nawala na yung pagiging makatao nya, he thinks ano lumabas sa utak nya yun lang ang pwede yun lang tama, he does not care what people think, he does not care about the constitution, he does not care about what still violates as far as the Constitution is concerned. What he cares about is he’s the only person that is right, he’s the only person that has to be followed, sya lang masusunud, papakinggan at sya lang ang tama”dagdag pa nito. Ang Doble Plaka Law na inakda ni Gordon ay pinirmahan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 2019 subalit sinuspinde ang pagpapatupad nito dahil sa mga unresonableng probisyon kasama na ang paglalagay ng malaking plate number sa harap at likuran ng motorsiklo,  ang pagpataw ng napakalaking multa na P50,000 hanggang P100,000 at kulong na hanggang 6 na taon kung mahuhuling walang plaka sa isang checkpoint, kung hindi irerehistro agad ang transfer of ownership at hindi irereport sa loob ng 72 oras ang nawala o sirang plate number. Sa kasalukuyan ay nakabinbin sa Manila at Quezon City Regional Trial Court ang dalawang petisyon na humihiling na ideklarang unconstitutional ang ilang probisyon sa nasabing batas. Sa Senado ay naghain si Sen Leila de Lima ng Senate Resolution (SR) No. 469 na humihiling na magkaroon ng rebisyon sa RA 11235  at iniutos na rin ni Pangulong Duterte sa Kongreso na rebyuhin  ito partikular ang probisyon sa penalties at gawin na P10,000 ang multa gaya ng multa sa mga 4-wheel na sasakyan.

TAGS: doble plaka, latest news on COVID-19. Radyo Inquirer news, news, Richard Dick Gordon, Riders Community, doble plaka, latest news on COVID-19. Radyo Inquirer news, news, Richard Dick Gordon, Riders Community

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.