Hindi matitigil ang pagbabakuna kontra COVID-19 ngayong Semana Santa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson Undersecretary Myrna Cabotaje na nagpalabas na ng direktiba ang kanilang hanay sa health workers na tuloy ang pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Semana Santa.
Bukas aniya ang vaccination centers sa DOH hospitals at maging sa mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng local government units.
Nakipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang hanay sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para gawing vaccination sites ang mga simbahan ngayong Semana Santa.
Maging aniya ang mga lugar na malapit sa mga mosque ay lalagyan din ng vaccination sites.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.