Dating Pangulong Arroyo hiniling sa SC na desisyon na ang hirit niyang house arrest

File photo
File photo

Hiniling ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema na desisyonan na ang inihain niyang “urgent motion for house arrest”.

Sa pitong pahinang reply ng kampo ni Arroyo sa opposition ng Office of the Solicitor General’s (OSG) iginit ng mga abogado ng dating presidente na Disyembre pa nang ihain nila ang mosyon pero hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang SC.

Sinabi ng kampo ni Arroyo na tumatagal ang pagpapasya sa mosyon dahil tatlong beses huminging extension ang OSG para makapaghain ng reply.

Base sa rekord, noong March 23 lamang nakapaghain ng komento ang OSG kahit noon pang March 13 ang deadline na ibinigay ng korte suprema.

Sinabi ng kampo ni Arroyo na hindi naman hinihiling ng dating presidente na mapayagan siyang makalaya sa pamamagitan ng pagpapiyansa at sa halip at nais lamang na mapayagan siyang maisailalim sa house arrest.

Ibig sabihin, sa halip na sa Veterans  Memorial Medical Center (VMMC) ang kaniyang place of imprisonment ay gawin na lamang na sa kaniyang bahay sa La Vista sa Quezon City.

Si Arroyo ay nakasailalim sa hospital arrest sa VMMC simula noong 2012 dahil sakasong plunder na kinakaharap niya sa Sandiganbayan 1st Division. / Dona Dominguez-Cargullo

Read more...