Comelec: Walang kampaniya sa Huwebest at Biyernes Santo

Bukas, Huwebes Santo at sa Biyernes Santo, ay ipinagbabawal ang anumang uri ng pangangampaniya ng mga kandidato.

Ito ang paalala ni Comelec Comm. George Garcia sa katuwiran na dapat ay hayaan naman ng mga kandidato na taimtim na maggunita ang dalawang banal na araw ng Semana Santa.

Dagdag pa niya maaring madiskuwalipika ang mga mangangampaniya sa dalawang nabanggit na araw.

“Sinasabi nga po eh, ‘Give unto Caesar what is for Caesar and to God what is for God,’ and ang ibig sabihin po natin dito, baka naman po pwede na pakiusap naman po — at ‘yan naman po ay isang patakaran na nasa ating mga umiiral na batas at resolusyon ng Commission on Elections — bukas po ay bawal mangampanya at sa Biyernes,” sabi ni Garcia sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa niya;“Dalawang araw na nga lang po ang sinabi eh, mangangampanya pa, di ba? Ibigay na natin sa pagninilay nilay. This is our highest sense of religiosity. Ibigay na natin ang pagninilay nilay sa mga Pilipino. Baka pwedeng pahingahin naman natin.”

 

Read more...