Pangulong Duterte may bilin sa mga kandidatong dikit sa komunistang grupo
Delikado ang bansa kung mananalo sa eleksyon sa Mayo 9 ang mga kandidatong may alyansa sa komunistang grupo.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa joint meeting ng National Task Force (NTF) at Regional Task Force (RTF) to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa Butuan City.
Aniya nagagamit na ng komunistang grupo ang party-list system sa bansa.
Dagdag pa niya walang ginawa ang mga maka-komunistang partylist groups kundi batikusin ang gobyerno.
Una nang sinabi ng Pangulo na front ng komunistang grupo ang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers, at Gabriela.
Pangako ng Pangulo, gugulin niya ang natitirang panahon sa Malakanyang na tugunan ang insurgency sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.