Patay dahil sa bagyong ‘Agaton’ sa Baybay City lumubo sa 33

By Jan Escosio April 13, 2022 - 07:35 AM

DISCOVER BAYBAY CITY PHOTO

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Baybay City.

Hanggang alas-4 ng hapon kahapon, iniulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, 33 na ang kumpirmadong nasawi.

Nabatid na 14 sa mga nasawi ay sa Barangay Mailhi, pito sa Barangay Bunga, apat sa Barangay Kantagnos, tig-dalawa sa Barangay Maypatag at Pangasugan at tig-isa naman sa Barangay Caridad, Can-Ipa, Candadam at Zone 21.

Hindi isinasantabi ang posibilidad na dumami pa ang bilang ng mga nasawi dahil marami pa ang napaulat na nawawalang residente.

Samantala, nagdeklara na si Mayor Jose Carlos Cari ng ‘state of calamity’ sa lungsod para mapabilis ang kanilang pagtugon sa sitwasyon.

May bisa ng isang buwan ang deklarasyon maliban na lang kung agad bawiin o paigtingin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.