DOH naglaan ng P6.1-M para sa gamot ng ‘Agaton victims’

By Jan Escosio April 13, 2022 - 07:19 AM

REP. CARL CARI FB PHOTO

Halos P1.6 milyon ang inilaan ng Department of Health (DOH) para ipambili ng mga gamot, health kits, personal protective equipment at iba pang COVID-19 essentials sa mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Agaton.’

Sinabi ni DOH spokesperson, USec. Ma. Rosario Vergeire, ang napaglaanan ng pondo ay ang Regions V, VI, VII at X.

Bukod pa dito, ayon pa rin kay Vergeire, may P55.7 milyon pang mga gamot at gamit sa kanilang mga bodega sa apat na nabanggit na rehiyon.

Higit 20 na ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao.

Daan-daan libong indibiduwal naman ang labis na naapektuhan, marami din sa kanila ang lumikas sa evacuation centers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.