#BasyangPH lumakas pa ngunit nasa labas na ng PAR

Lumakas pa ang Typhoon Basyang, ayon sa PAGASA.

Sa abiso ng weather bureau bandang 5:00, Martes ng hapon (April 12), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,400 kilometers Silangan ng Central Luzon dakong 4:00 ng hapon.

Mayroon itong lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Mabagal na kumikilos ang bagyo sa direksyong Hilaga Hilagang-Kanluran.

Ayon sa PAGASA, nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bandang 1:00 ng hapon.

Inaasahan na patuloy itong kikilos pa-Hilaga Hilagang-Silangan.

Sinabi ng PAGASA na hindi direktang makakaapekto ang bagyo sa kalupaan at karagatang sakop ng bansa.

Read more...