Palasyo, binati ang mga nakapasa sa Bar exams

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang sa mga nakapasa ng Bar Examinations.

Ayon kay acting Presidential spokesman Martin Andanar, isang mabuting balita na madagdagan ang mga abogado sa Pilipinas.

Nangangahulugan kasi aniya na mas marami na ang magiging tagapagtanggol.

Una nang inanunsyo ng Supreme Court na nasa 8,241 mula sa 11,402 na examinees ang nakapasa sa pagsusulit.

Nangangahulugan ito ng 72.28 porsyentong passing rate.

Read more...