Sarado ang 16 national road sections sa Regions 6, 7, at 8 dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton.
Base ito ng datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hanggang 12:00, Martes ng tanghali (Abril 12).
Nagkaroon kasi ng malawakang pagbaha, landslide, at road cut sa mga nasabing rehiyon.
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, nag-deploy na ng DPWH Quick Response Teams sa mga apektadong rehiyon upang makapagsagawa ng clearing operations.
Sinabi ng DPWH-Bureau of Maintenance na narito ang mga kalsada na nananatiling sarado:
Region 6:
1. Iloilo Capiz Road sa Bitoon Ilawod hanggang Poblacion, Cuatero, Sto Angel Dumalag, at Angub Cuartero sa Capiz dahil sa pagbaha;
2. JNR Ayuyan Tinaytayan Road, Sto Angel Dumalag hanggang Dangula Dumarao sa Capiz dahil sa pagbaha;
3. JNR Cuartero-Maindang-Tapulang-Maayon Road, Brgy. Angub hanggang Pob. Proper, Cuartero, Capiz dahil sa pagbaha;
4. Iloilo Capiz Road sa Brgy. Tugas, Brgy. Tumalalud – Caidquid, Sigma-Mambusao-Jamindan Road sa Brgy. Bunga sa Capiz dahil sa pagbaha;
5. IloIlo-Capiz Road sa Sitio Minaniw, Brgy. Tabugon, Dingle, Iloilo dahil sa pagbaha;
6. Barotac Viejo – San Rafael Road sa Brgy. Aripdip, San Rafael, Iloilo dahil sa soil collapse; at
7. Passi – San Rafael – Lemery – Sara Road sa Brgy.Poblacion, Lemery; Brgy. Apelo at Aspera, Sara, Iloilo dahil sa pagbaha.
Region 7
1. Cebu-Toledo Wharf Road (Camp 6) sa Brgy. Manipis, Talisay City, Cebu dahil sa soil erosion
Region 8
1. Kananga-Tongonan Hotspring Road, Sitio Banaba, Brgy. Rizal, Kananga, Leyte dahil sa landslide;
2. Tacloban Baybay South Road, sa Brgy. Villa Solidaridad, Mahaplag; Sitio Waterfall, Brgy. Mailhi at Sitio Pamotosan, Brgy. Makinhas, Baybay City; Leyte dahil sa landslide/soil collapse;
3. Maharlika Highway, Brgy. Paguite at Blinsasayao, Abuyog; Hilusig Bridge sa Brgy. Hilusig at Brgy. Pulahongon, Sitio Paraiso, Brgy. Pinamunuan; Mahaplag, Leyte dahil sa landslide/soil collapse;
4. Daang Maharlika, Sogod-Libagon Section dahil sa posibleng landslide o soil erosion;
5. Maasin City – Buenavista Bontoc – Bdry. Hilongos Road (Maasin – Bontoc) Brgy. Lunas, Maasin City dahil sa road cut;
6. San Isidro, Tomas Oppus – Libertad, Maasin City Road, Brgy. Sta. Cruz, Maasin City dahil sa landslide;
7. San Miguel – Conception – Daang Maharlika Road dahil sa hollow abutment;
8. Bil-atan, San Ricardo – San Roque, Liloan Road sa Brgy. San Roque at Brgy. Malangsa, Liloa-an; at Brgy. San Ramon, San Ricardo dahil sa landslide at rockslide.
Samantala, 19 kalsada naman ang may limitadong access sa Regions 4-A, 6, 7, 8, 10, 11, at 12:
Region 4A
1. Marikina-Infanta Road, K0107+380 sa Quezon, kung saan isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa soil collapse.
Region 6
1. Iloilo-Capiz Road (New Route) sa Dayhagon at Amaga sa Sigma, Capiz, mabibigat na sasakyan lamang ang maaring dumaan dahil sa pagbaha;
2. Iloilo-Capiz Road (New Route) K0022+(-381)-K0063+149, mabibigat na sasakyan lamang ang maaring dumaan dahil sa pagbaha; at
3. Jct. DS Benedicto-Spur 16-Calatrava Road (KM 75+500) sa Negros Occidental, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa landslide.
Region 7
1. Balilihan-Hanopol-Batuan Road, Brgy. Rizal, Batuan, Bohol, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa roadslip; at
2. Jct. Tagbilaran East Road, Jagna-Sierra Bullones Road, Brgy. Mayana, Jagna, Bohol, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa roadslip.
Region 8
1. Burauen- Lapaz Road sa Brgy. Moging, Burauen, Leyte, magagaan na sasakyan lamang ang maaring dumaan dahil sa settled foundation sa Pier 3;
2. Sto. Rosario-Villaba Road in Brgy. Hibulangan, Villaba, mabibigat na sasakyan lamang ang maaring dumaan dahil sa pagbaha;
3. Merida-Lundag-Puting Bato-Consolacion-Isabel Road, Can-untad Bridge, magagaan na sasakyan lamang ang maaring dumaan dahil sa nasirang tulay
4. Tacloban Baybay South Road sa Brgy. Cuatro de Agosto at Brgy. Liberascion, at Barangay Nebga, Mahaplag, Leyte, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa landslide;
5. Ormoc-Baybay-Southern Leyte Boundary Road sa Brgy. Punta, Baybay City, Leyte, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa mga natumbang puno;
6. Abuyog-Silago Road, Brgy. Imelda at Brgy. Tubod, Silago, Southern Leyte, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa landslide;
7. Ichon, Macrohon – Sangahon Malitbog Road, K1045+828 – K1161+169, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa landslide; at
8. Jct. Himay-angan-Silago-Abuyog Bdry. Road Jct. Himay-angan-Liloan-St. Bernard-San Juan Section Brgy. Lipanto, St. Bernard, Southern Leyte, isang lane lamang ang maaring daanan dahil sa lumubog at nasirang kalsada.
Region 10
1. Kapalong-Talaingod- Valencia Road, Lumbayao, Valencia City at Salug Bridge sa Brgy. San Jose, San Fernando, Bukidnon, isang lane lamang ang maaring daanan.
Region 11
1. Benigno S. Aquino, Jr. National Highway, sections sa Ngan, Compostela at Panansalan, Compostela, Davao de Oro, ang lane lamang ang maaring daanan dahil sa soil slope collapse.
Region 12
1. Awang-Upi-Lebak-Kalamansig-Palimbang-Sarangani Road sa Brgy. Bolebak, Lebak, Sultan Kudarat, ang lane lamang ang maaring daanan dahil sa soil slope collapse; at
2. SNA-Kalamansig-Lebak Road, K1873+300 Datu Wasay, Kalamansig, Sultan Kudarat, ang lane lamang ang maaring daanan dahil sa soil slope collapse.
Sa ngayon, anim na kalsada sa Region 6 at 8 ang naisaayos at muli nang binuksan sa mga motorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.