2,975 personnel, ipinakalat para magbantay sa mga lansangan sa Semana Santa

By Chona Yu April 12, 2022 - 04:25 PM

Aabot sa 2,975 personnel ang ipinakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magbantay sa mga pangunahing lansangan para sa Semana Santa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na asahan na ng publiko na magkakaroon ng adjustment sa mga pangunahing lansangan dahil sa pagdagsa ng mga biyahero.

Kabilang sa mga itinalaga ng MMDA ang traffic enforcers, emergency personnel, at iba pa nating empleyado para panatalihin ang kaayusan sa mga terminal at lansangan.

Magkakaroon din aniya ng pagbabago sa EDSA bus carousel.

May ipakakalat aniyang mga motorcycle unit sa mga bus carousel para hatakin ang mga bus at hindi na tumambay pa.

TAGS: HolyWeek2022, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, RomandoArtes, SemanaSanta2022, HolyWeek2022, InquirerNews, mmda, RadyoInquirerNews, RomandoArtes, SemanaSanta2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.