Outbound passengers sa mga pantalan sa Martes Santo, nasa higit 22,000

By Angellic Jordan April 12, 2022 - 03:35 PM

Mahigpit pa ring tinututukan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Semana Santa.

Batay sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022 monitoring ng PCG, nakapagtala ng kabuuang 22,344 na outbound passengers sa mga pantalan habang 21,289 inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Martes Santo (April 12).

Nasa 2,199 naman ang itinalagang frontline personnel sa 15 PCG Districts.

Base pa sa datos, 335 ang inspected vessels at 488 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

TAGS: HolyWeek2022, InquirerNews, OplanBiyahengAyos, PCG, RadyoInquirerNews, SemanaSanta2022, HolyWeek2022, InquirerNews, OplanBiyahengAyos, PCG, RadyoInquirerNews, SemanaSanta2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.