Umabot na sa P265.3 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa Bagyong Agaton.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), nasa 2,132 na magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 16,532 metrikong tonelada ng produktonng agricultural ang nasira at nasa 3,060 ektaryang sakahan ang naapektuhan.
Ayon sa DA, kabilang sa mga nasira ang mga pananim sa palay, mais at iba pang high value crops.
Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kagawaran sa mga naapektuhang magsasaka.
Kabilang na ang pagbibigay ng binhi ng palay, mais at gulay, drugs at biologics para sa livestock at poultry, Survival and Recovery (SURE) Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC); sapat na pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.