Grupo inilaglag si Sara Duterte sa UniTeam, isinusulong ang Marcos-Sotto

By Jan Escosio April 12, 2022 - 02:26 PM

Photo credit: Former Sen. Bongbong Marcos & Senate President Vicente Sotto/Facebook

Matapos umugong ang pagtutulak ng Manny Pacquiao – Tito Sotto tandem, isinusulong din ang tambalang Bongbong Marcos – Tito Sotto.

Naniniwala ang MarSo Group na mas lalakas ang tsansa ni Sotto kung si Marcos ang kanyang standard bearer.

Mas pinaniniwalaan ng mga ito ang kakayahan ni Sotto dahil sa kanyang malawak na karanasang politikal, batikang mambabatas at respetadong artista.

Si Sotto ang chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) at si independent presidential aspirant Ping Lacson ang kanyang running mate.

Marami na rin sa mga kandidato sa ilalim ng NPC ang sumusuporta kay Marcos.

Una nang sinabi ni Lacson na handa siyang makipagsalo kay Pacquiao sa paniniwalang makakatulong ito na mapataas ang tsansa ng kanyang running mate na mahalal bilang susunod na pangalawang pangulo ng bansa.

TAGS: #VotePH, BBM, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, MarSoGroup, OurVoteOurFuture, PingLacson, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, TitoSotto, #VotePH, BBM, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, MarSoGroup, OurVoteOurFuture, PingLacson, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, TitoSotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.