Siyam na lugar nasa Signal Number 1 dahil sa Bagyong Agaton
Nanatili sa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 ang siyam na lugar dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Agaton.
Base sa 8:00 am advisory ng Pagasa, nasa Signal Number 1 ang Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpuz); Eastern Samar; Samar; Northern Samar; Biliran; Leyte; Southern Leyte; northeastern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod) kasama na ang Camotes Island; Dinagat Islands.
Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na 75 kilometro kada oras.
Ayon sa Pagasa, nasa bisinidad na ngayon ng Marabut, Samar ang bagyo.
Sa pagtaya ng Pagasa, mananatili sa Samar-Leyte ang bagyo sa susunod na 6 hanggang 12 oras at kikilos sa east southeastward direction patungo ng Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.