NCRPO: Walang banta sa paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila

By Jan Escosio April 12, 2022 - 09:19 AM

Inilagay sa full alert status ang lahat 24,000  pulis sa Metro Manila ngayon Semana Santa.

Inatasan ni NCRPO chief, Maj. Gen. Felipe Natividad ang limang police districts sa Metro Manila na tiyakin ang kaligtasan ng mga dadalo o magsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa Semana Santa.

Sinabi nito na nagpakalat siya ng mga pulis sa mga pampublikong lugar gaya ng shopping malls, simbahan gayundin sa mga public transport terminals, airport terminals, seaports.

Dagdag pa ng opisyal na wala silang na-monitor na ‘credible threat’ sa paggunita ng Semana Santa sa Kalakhang Maynila.

“We have not received any threat at the same time we are not bringing down our guards kaya nga nag-deploy ng ating mga pulis para mapanatili pa rin po natin yung pag-iingat,” sabi pa ng opisyal.

TAGS: Holy Week, Maj. Gen. Felipe Natividad, news, Radyo Inquirer, Semana Santa, Holy Week, Maj. Gen. Felipe Natividad, news, Radyo Inquirer, Semana Santa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.