Data Center ng Supreme Court, nasunog, paglalabas ng resulta ng bar exam tuloy pa rin ngayong araw

By Chona Yu April 12, 2022 - 09:04 AM

Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng gusali sa Supreme Court sa Padre Faura sa Manila.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 6:05 ng umaga at umabot lamang sa unang alarma ang sunog.

Nagsimula ang sunog sa Judiciary Data Center Room sa ground floor.

Ideneklarang fire out ang sunog bandang 7:55 ng umaga.

Iniimbestigahan na ng BFP ang sanhi ng sunog.

Samantala, sinabi naman ni SC spokesman Brian Keith Hosaka na tuloy ang paglalabas ng resulta ng bar exam ngayong umaga.

Ayon kay Hosaka, walang epekto sa paglalabas ng resulta ng bar exam ang naturang sunog.

 

 

TAGS: Bar exam result, Data Center, news, Radyo Inquierer, SC spokesman Brian Keith Hosaka, sunog, Supreme Court, Bar exam result, Data Center, news, Radyo Inquierer, SC spokesman Brian Keith Hosaka, sunog, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.