#AgatonPH bahagyang kumikilos pa-Hilaga sa Basey, Samar
Mabagal na kumikilos pa-Hilaga ang Tropical Depression Agaton sa Basey, Samar.
Sa abiso ng PAGASA bandang 8:00, Lunes ng gabi (April 11), huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Basey, Samar dakong 7:00 ng gabi.
Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers per hour.
Bunsod nito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Southern portion ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)
– Eastern Samar
– Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod) kasama ang Camotes Island, Dinagat Islands at Bucas Islands
Sinabi ng PAGASA na magdadala pa rin ang bagyo ng katamataman hanggang sa mabigat na buhos ng pag-ulan sa Sorsogon, Masbate, Romblon, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northern at central portions ng Cebu kasama ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, at northern at central portions ng Negros provinces.
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Quezon, at nalalabing parte ng Bicol Region at Visayas.
Sinabi pa ng weather bureau na mananatili ang bagyo bilang tropical depression.
Base sa forecast hanggang Martes ng hapon, April 12, inaasahang dahan-dahang iikot ang bagyo sa binisidad ng southern portions ng Samar at Eastern Samar bago umabot sa Philippine Sea sa Martes ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.