Bayabas, Surigao del Sur niyanig ng magnidue 4.5 na lindol

Naramdaman ang magnitude 4.5 na lindol sa Surigao del Sur, Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 60 kilometers Northeast ng Bayabas bandang 7:15 ng gabi.

May lalim ang lindol na tatlong kilometro at tectonic ang origin.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa nasabing bayan.

Inalis din ng ahensya ang pangamba sa aftershocks.

Read more...