Hihilingin ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Sandiganbayan na mabisita ang kanyang ama na si dating Senador Ramon Revilla Sr. sa ospital.
Ayon kay Atty. Raymund Fortun, hihirit ng furlough si senador Bong upang madalaw at makapiling kahit sa loob ng ilang oras ang ama na isinugod sa St. Lukes Medical Center, sa Bonifacio Global City sa Taguig kagabi.
Ani Fortun, labis ang pag-aalala ni senador Bong sa sitwasyon ng kanyang tatay na kasalukuyang may pneumonia at nakararanas din ng dehydration.
Kailangan aniya na manatili muna sa ospital ang nakatatandang Revilla upang mamonitor ng mga doctor ang kondisyon nito.
Wala rin daw katiyakin pa kung kailan lalabas ng ospital ang matandang Revilla, na ngayon ay nasa isang private room sa St. Lukes. “We really do not know how long he will stay at the hospital,” ani Fortun.
Bukas, araw ng Lunes, inaasahang ihahain ng mga abogado ni Senator Revilla ang kanyang request sa SandiganBayan, kung saan may nakabinbin siyang mga kaso kaugnay sa Pork Barrel Scandal.
Nakakulong ngayon si Revilla sa Philippine National Police o PNP Detention facility./ Isa Avendano-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.