Number coding scheme, suspendido simula Martes Santo hanggang Biyernes Santo
Suspendidio ang Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme sa mga susunod na araw para sa Semana Santa, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na suspendido ang number coding scheme simula 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa Martes Santo, April 12, at Miyerkules Santo, April 13.
Awtomatiko namang lifted ang modified number coding scheme tuwing holiday; Huwebes Santo (April 14) at Biyernes Santo (April 15).
Paliwanag ng MMDA, layon nitong mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makabiyahe nang mas maaga.
Inaasahan kasi ang pagdagsa ng taong uuwi sa iba’t ibang probinsya sa mga terminal at pantalan sa Semana Santa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.