Outbound passengers sa mga pantalan sa Lunes Santo, nasa higit 18,000
Mahigpit na tinututukan ng Philippine Coast Guard ang mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Semana Santa.
Batay sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022 monitoring ng PCG, nakapagtala ng kabuuang 18,209 na outbound passengers sa mga pantalan habang 15,569 inbound passengers.
Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes Santo (April 11).
Nasa 2,210 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.
Base pa sa datos, 506 ang inspected vessels at 531 ang inspected motorbancas.
Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.
Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.